PANALANGIN NG PAMILYA SA PASKO NG PAGKABUHAY
Ang tubig ay tanda ng
buhay, ng buhay ni Kristo na mula sa Binyag. Maglagay ng sisidlan ng tubig sa gitna
ng lamesa. Ang Pasko ng Pagkabuhay ng Panginoong Hesukristo ay pagkakataon
upang sariwain ang ating pananampalatayang tinanggap sa Binyag.
PANALANGIN NG PAMILYA
Namumuno (N)
Lahat (L)
Tagabasa 1 (T1)
Tagabasa 2 (T2)
N: Aleluya, si Kristo
ay Muling Nabuhay!
A: Aleluya, si Kristo
ay Muling Nabuhay!
N: Ang Maringal na
pagpapahayag ng pasko ng pagkabuhay
T1: Magalak nang
lubos ang sambayanan!
Sa Kalwalhatian
lahat tayo'y magdiwang!
Sa ningning ni
Hesukristo, sumagip sa sansinukob
S'ya'y muling
nabuhay tunay na manunubos!
Si Kristo na
ating Hari ay nabuhay na mag-uli!
Hipan natin ang
tambuli nitong ating kaligtasan
Magalak, O
sanlibutan, sa maningning nating ilaw!
Si Kristo na
walang maliw ang pumaram sa dilim!
Itaas sa
kalangitan ating puso at isipan!
D'yos Ama'y
pasalamatan sa Anak niyang nabuhay.
Sapagkat tapat
s'yang tunay sa kanyang pananagutan
Para sa
kinabilangan niya na sambayanan!
Ngayon nga ang
kapistahan ni Hesukristong nag-alay
Ng kanyang
sariling buhay, nagtiis ng kamatayan,
Ang minanang
kasalanan, ang dating kaalipina'y
Sa tubig pawing
naparam, kalayaa'y nakamtan
Ngayon nga ang
pagdiriwang ng ating muling pagsilang
Sa tubig ng
kaligtasan na batis ng kabanalan,
'pagkat mula sa
libingan bumangon na matagumpay
Mesiyas ng
sanlibutan-si Hesus nating mahal!
D'yos Ama ng
sanlibutan, tunay na walang kapantay
pag-ibig mo't
katapatan para sa mga hinirang
handog mo'y
kapatawaran sa lahat ng kasalanan.
higit sa lahat
mong alay si Hesus naming mahal!
Dahil sa
kaligayahang sa ami'y nag-uumapaw
Hain naming itong
ilaw, sagisag ng Pagkabuhay
Tunay na
kaliwanagang hatid ni Hesus na Tanglaw
Ang dilim ng
kamatayan ay napawi't naparam!
Ang araw ng
kaligtasan, si Hesus bukang-liwayway
Walang maliw na
patnubay sa landas ng kaligtasan,
Hatid n'ya'y kapayapaan,
lakas mo at pagmamahal
Upang aming
magampanan aming pananagutan!
T2: Ang Pagbasa mula sa
Mabuting Balita ayon kay San Juan (20:1-9)
Madilim-dilim pa nang araw ng Linggo, naparoon na si Maria
Magdalena sa libingan. Naratnan niyang naalis na ang batong panakip sa pinto ng
libingan. Dahil dito, patakbo siyang pumunta kay Simon Pedro at sa alagad na
mahal ni Hesus, at sinabi sa kanila, “Kinuha sa libingan ang Panginoon at hindi
namin alam kung saan dinala!”
Kaya’t si Pedro at ang nasabing alagad ay nagpunta sa
libingan. Kapwa sila tumakbo ngunit si Pedro’y naunahan ng kasamang alagad.
Yumuko ito at sumilip sa loob. Nakita niyang nakalagay ang mga kayong lino,
ngunit hindi siya pumasok. Kasunod niyang dumating si Simon Pedro at
tuluy-tuloy itong pumasok sa libingan. Nakita niya ang mga kayong lino, at ang
panyong ibinalot sa ulo. Hindi ito kasama ng mga kayong lino, kundi hiwalay na
nakatiklop sa isang tabi. Pumasok din ang alagad na naunang dumating; nakita
niya ito at siya’y naniwala. Hindi pa nila nauunawaan ang nasasaad sa
Kasulatan, na kailangang muling mabuhay si Hesus.
Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
L: Pinupuri ka namin,
Panginoong Hesukristo.
(Maglaan ng ilang
sandali sa katahimikan upang pagnilayan ang pagbasang narinig. Pagkatapos, maaaring
ibahagi ng mga magulang ang kuwento ng Binyag ng kanilang mga anak.)
N: Halina’t sariwain ang mga pangako natin sa Binyag.
L:
Itinatakwil namin si Satanas, ang kanyang mga gawa, at ang kanyang
mga pangako.
Sumasampalataya kami sa Diyos, Amang Makapangyarihan na may
gawa ng langit at lupa.
Sumasampalataya kami kay Hesukristo, Iisang Anak ng Diyos,
Panginoon naming,
Na ipinanganak ng Mahal na Birheng Maria,
Nagpakasakit, namatay at inilibing,
Nabuhay na mag-uli mula sa kamatayan
At naluluklok sa kanan ng Ama.
Sumasampalataya kami sa Espiritu Santo,
Sa Banal na Simbahang Katolika,
Sa kasamahan ng mga banal,
Sa kapatawaran ng mga kasalanan,
Sa pagkabuhay na muli ng mga namatay na tao,
At sa buhay na walang hanggan. Amen.
N:
Ang Diyos Amang Makapangyarihan ng ating Panginoong
Hesukristo,
Na nagbigay sa atin ng bagong pagsilang
Sa tubig at sa Espiritu Santo
At nagkaloob sa atin ng kapatawaran ng mga kasalanan,
Ay mangalaga sa atin sa kanyang biyaya
Kay Hesukristong ating Panginoon
Magpakaylanman,
A: Amen.
(Sa pamamagitan ng
tubig ay babasbasan ng bawat isa ang sarili sa Tanda ng Krus.
Pagkatapos, bawat isa
ay mag-aalay ng pansariling panalangin para sa mga maysakit, mga nangangalaga sa
kanila (lalo na dulot ng Covid-19), para sa mga mahihirap, at para sa mga yumao
(lalo na dahil sa Covid-19). May dulot itong indulhensya plenarya ngayong
panahong ito.
Bawat panalangin ay
wawakasan ng “Manalanging tayo sa Panginoon.” Tutugon ang lahat ng “Panginoon, dinggin mo kami.”)
N: Ngayon dasalin natin ang panalangin ng pamilya ng Diyos na
itinuro sa atin ni Hesus:
L: Ama Namin…
N: Pagpalain tayong lahat at ingatan ng Panginoong Diyos…
L: Sa ngalan ng Ama,
at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.
*upang matanggap ang Indulhensya Plenarya, mangako sa sarili
na magku-Kumpisal ng mga kasalanan at tumanggap ng Komunyon sa lalong madaling
panahon, pagkatapos ng yugto ng quarantine; at ipagdasal ang mga kahilingan ng
Santo Papa, Pope Francis. Ang indulhensya ay espirituwal na kaloob ng Simbahan sa
atin para sa kapatawaran ng mga parusang dulot ng kasalanan.