IKA-APAT NA LINGGO KARANIWANG PANAHON K
SANDALI, MERON PA! LK. 4: 21-30 photo by fr tam nguyen Habang binabalikan kong basahin ang Lumang Tipan, naunawaan ko kung bakit talagang bayani ng mga Hudyo ang mga propetang sina Elias at Eliseo. Kasi naman, kahanga-hanga ang mga himala ng Diyos sa pamamagitan nila. Tingnan na lamang si Elias na bumuhay ng namatay na anak ng isang biyuda (binabanggit ito ni Hesus sa ebanghelyo ngayon), tumawag ng apoy mula sa langit, at naghati ng tubig ng ilog Jordan, at marami pang kababalaghan. Si Eliseo naman, na nagmana ng espiritu ng kanyang amo na si Elias, nagpagaling ng ketonging pinuno ng mga sundalo (naalala din ito ni Hesus), nag-predict ng pagsilang ng isang sanggol at nang ang batang ito ay mamatay binuhay din niya ito, nagpakain ng isangdaang tao sa pamamagitan ng ilang tinapay, at marami pang ibang himala! Bagamat napahanga ang mga tao, hirap silang tanggapin na may higit na kakaiba kay Hesus. Hindi ba karpintero lang iyan na “anak ni Jose?”