Posts

Showing posts from July, 2020

IKA-18 LINGGO NG KARANIWANG PANAHON A

Image
KATUWANG NIYA TAYO SA PAGMAMAHAL     image, thanks to the internet... Ano itong sinasabi sa unang pagbasa (Is 55:1-3)? Ang pinakaaasam na “eat all you can!”   Kumain at uminon… walang bayad, hindi kailangan ang pera. Basta pasok lang at makisalo!   Inilalarawan ng Panginoon ang kailangan ng lahat…   Uhaw tayo, gutom tayo…   At narito ang Diyos upang painumin at busugin tayo, at bigyan ng saganang buhay!   Kahanga-hanga! Wala nang mas matatag pang buhay, walang tigil ang daloy ng supply!   Ito ang sinasabi sa Bible. Pero ito ba ang nagaganap sa buhay?   Sa pandemyang ito, ang daming nawalan ng trabaho, ang daming nagtiklop na negosyo, ang daming nagugutom sa bansa.   Tama, tumulong naman ang gobyerno, ilang kilong bigas at lata ng sardinas, ayudang pera na pantawid buhay. Pero sa may pamilya, ilang saingan lang ito? ilang beses ba kumakain ang tao?   Nitong lockdown, may nakita akong lalaking may dalang sako ng mga manggang hilaw, sa gitna ng ma

18TH SUNDAY IN ORDINARY TIME A

Image
JOIN JESUS IN LOVING image, thanks to the internet...   What do we have here in the first reading (Isaiah 55:1-3)? It’s everyone’s dream buffet!   Eat and drink all you want… without paying, without need for money. Just come and join the fun!   The Lord is describing what we all need…   We are thirsty and in need of drink, hungry and in need of food.   And God will give us all these and more, even abundant life!   That is marvelous! Nothing can be greater than a life secure, with all our needs in endless supply.   That is what the Bible says. Is that what life holds, too?   In this pandemic, so many people lost their jobs, so many businesses had to fold up and close, so many people go hungry and cold.   Sure, the government distributed some help, some kilos of rice and a few cans of sardines, a pittance from the amelioration fund. But for a family that has to eat three times a day, how long did it last?   During the lockdown, a young man was walk

IKA-17 LINGGO NG KARANIWANG PANAHON A

Image
PAGPILI NG PINAKAMAINAM SA LAHAT   Nitong nakaraang lockdown, nabantad ang bagong mukha ng mga kabataan ngayon   …walang paki, hanap ay saya, tiktokers, baliw sa Netflix, adik sa social media   …galit sa gawaing eskwela, handang mam-bash, ok maging haters   Pag minasdan mo sila, tila walang pag-asa sa bukas. Ito ba ang mga taong tatalakay sa susunod na pandemya… taglay ang kabobohan? Taglay ang pagsasawalang bahala?   Pero habang tumatagal ang krisis, marami ding nagsimulang mag-isip…   … sa kinabukasan… sa kapakanan ng pamilya… sa sitwasyon ng bansa…   Ang ilan sa kanila natutong kumita sa online business… tumulong sa magulang… maghanda sa darating na pasukan…   Simula na kaya ng pagbabago… at pag-asa ito para sa lipunan?   Sa unang pagbasa nakita natin ang batang haring si Solomon (1 Hari 3) na, nang magpakita ang Diyos sa panaginip upang tanungin ang kanyang ninanais, ay sumagot nang kahanga-hanga.   Hindi mahabang buhay, kayamanan, tagumpay o

17TH SUNDAY IN ORDINARY TIME A

Image
CHOOSING THE BEST   The recent lockdowns due to the corona virus revealed the new face of young people today   …Carefree, fun-seekers, “tiktokers,” crazy for Netflix, addicted to social media   …averse to online class, armed with hateful texts and negative comments   To observe them was to lose hope in the future. Are these the people who will tackle the next worldwide pandemic… with their ignorance? With their indifference?   But as the crisis continued, many young people began to think…   … about their future, about their parents, about the country   Some of them learned to earn money through online jobs… to help their parents find a way… to prepare for the opening of classes once more.   Could this be the start of change… and hope for society?   In the first reading today, we read about the young king Solomon (1 Kings 3) who, when God appeared to him in a dream asking what he wanted, gave the most amazing answer.   Not long life, riches, victo

PARING NA-KIDNAP NG ABU SAYYAF SA MARAWI, PUMANAW NA

Image
REST IN PEACE, FR CHITO SOGANUB

IKA-16 NA LINGGO NG KARANIWANG PANAHON A

Image
MAHABAGIN AT MAKATARUNGAN   Nakakakilabot talaga.   Isang tigas-mukhang pulis ang nakaluhod sa leeg ng isang taong nakahandusay sa bangketa habang nakapalibot ang iba pang mga pulis.   Ginupo nila ang tao habang inaaresto; kitang-kita sa mga video na naghahagilap siya ng hangin. Ang pulis naman, patuloy na nakaluhod sa leeg niya hanggang mawalan siya ng malay.   Habang nasa ambulansya patungo sa ospital, inatake sa puso ang tao at namatay. Kumalat ang video ng tagpong ito at nagdulot ng galit at protesta, at maging ng karahasan at pagkasira sa mga lungsod ng Amerika.   Iba talaga ang kapangyarihan. Minsan nagtutulak itong maging marahas at walang pakialam sa paghihirap ng kapwa. Ang taong may power handang ipataw ang kapangyarihan niya sa ibang ang tingin niya ay mababa sa kanya.   Ibang-iba ang larawan ng Diyos sa pagbasa natin ngayon (Aklat ng Karunungan 12): “Walang hanggan ang kapangyarihan mo ngunit mahabagin ka kung humatol. Maaari mo kaming parusahan kail

16TH SUNDAY IN ORDINARY TIME A

Image
MERCIFUL AND JUST   It was a chilling sight to behold.   A stern-looking policeman kneeling on the neck of a man lying sideways on the street.   The man was subdued while being arrested; videos showed him pleading for air. The policeman however, knelt on his neck until he fell unconscious.   On the way to the hospital in an ambulance, the man died due to cardiac arrest. Videos of the incident flooded the internet, sparked protests and incited violence and mayhem in the streets of the US.   Power can make a person act violently, indifferent to the sufferings of others. Someone in a position of authority can impose his will unjustly on people he believes are under his control.   How different from the portrait of God given us in the first reading today (Wisdom 12): “But though you are master of might, you judge with clemency, and with much lenience you govern us.”   In the hands of the Lord resides all power; he is the master of all his creation; he holds the

IKA-15 LINGGO NG KARANIWANG PANAHON A

Image
IKAW DIN AY "SALITA" NG DIYOS   Ano ba ang Salita ng Diyos?   Ang Salita ng Diyos, unang una, ay si Hesus! Siya ang Salita na kapiling ng Ama palagi.   Sabi ni Propeta Isaias (ch. 55) nagmumula ang salita sa bibig ng Diyos at tumutupad sa kalooban ng Diyos.   Ito ang naganap sa Pagkakatawang-tao ng Anak ng Diyos na bumaba sa lupa upang itatag ang Kaharian ng Ama sa mundong ito. Kaya, ang Salita ay naging tao – kay Hesus!   Ang salita ng Diyos, pangalawa, ay ang "mensahe" ng Diyos. Mula sa Diyos at dumadaloy sa Bibliya at sa mga turo ng simbahan, ang salita ng Diyos ang nagiging inspirasyon natin para mamuhay nang mabunga at makahulugan.   Sa Mabuting Balita (Mt 13), mababasa natin ang talinghaga ng mga binhi na inihasik sa iba’t-ibang klase ng lupa. Ang mga binhi ay kumakatawan sa salita ng Diyos, sa mensahe ng Diyos, na iniaaalok sa mga tao at tinatanggap ng mga tao sa kani-kanilang paraan.   May kapangyarihan ang salita ng Diyos at mara

15TH SUNDAY IN ORDINARY TIME A

Image
YOU ARE ALSO HIS "WORD"   What is the Word of God?   The Word of God is, first of all, Jesus! He is the Word who was with the Father from all eternity.   Isaiah (ch 55) says that the word proceeds from the mouth of God and accomplishes God’s will.   This is what happened in the Incarnation when God’s Son came down to earth to establish his Father’s kingdom among humanity. So the Word is a Person; it is Jesus!   The word of God is, secondly, the message of God. Coming from God but flowing through the Bible and the teachings of the Church, the word of God inspires our hearts enabling us to live meaningful and fruitful lives.   The Gospel speaks of the seeds sown on different types of soil. The seeds represent the word of God, the message of God, that is offered to people and that is received in different ways by those who hear it.   There is power in the word of God and many people experience change in their lives because of it.   St. Augustine r

SAINTS OF JULY: SAN BENITO, ABAD (ST. BENEDICT, ABBOT)

Image
HULYO 11     A. KUWENTO NG BUHAY   Napakalaking impluwensya ng taong ito sa kasaysayan ng simbahan at gayundin ng buong Europa.   Tinatawag siyang Ama ng monastisimo sa Kanlurang bahagi ng daigdig.   Ang mga monasteryong taglay ang kanyang pangalan at sumusunod sa kanyang diwa ay matatagpuan ngayon sa halos karamihan ng mga bansa sa buong daigdig.   Nagmul sa Nursia sa rehiyon ng Umbria sa Italy si San Benito. Isinilang siya noong taong 480.   Nag-aral siya sa Roma at nang matapos ang pag-aaral, halos 20 taong gulang pa lamang, nilisan niya ang daigdig upang mamuhay na nakatalagang lubusan para sa Diyos, sa pamamagitan ng panalangin at sakripisyo.   Una siyang nanirahan sa lugar na kung tawagin ay Subiaco bilang isang ermitanyo. Marami ang naakit sa kanyang pamumuhay at sumunod doon upang maranasan ang kanyang gawaing sinimulan.   Napilitan siyang umalis sa Subiaco dahil sa inggit ng isang pari doon at lumipat siya sa Monte Cassino .   N

SAINT OF JULY: APOSTOL SANTO TOMAS

Image
HULYO 3     A. KUWENTO NG BUHAY   Madaling matandaan ang buod ng kuwento ng buhay ni Santo Tomas na apostol ng Panginoong Hesukristo. Lalong alam ng lahat ang kanyang kakulangan ng paniniwala na nabuhay muli ang Panginoon mula sa kamatayan.   Pero siguro madali siyang matandaan sa aspektong ito ng kanyang buhay sapagkat maraming mga tao ang nag-aalinlangan din sa pananampalataya sa iba’t-ibang yugto ng kanilang buhay. Sino nga ba ang may napakatatag na pananampalataya na hindi man lamang natitinag sa gitna ng mga pagsubok?   Si Santo Tomas ay isa sa mga alagad na wala doon noong unang magpakita ang Panginoon sa mga apostol pagkatapos ng kanyang muling pagkabuhay (Juan 20:24). Ibinalita ng mga alagad sa kanya ang kanilang nasaksihan.   Subalit sinabi ni Tomas: “Maliban lamang na makita ko sa kanyang mga kamay ang tatak ng mga pako at maipasok ang aking daliri sa pinaglagusan ng mga pako at maipasok ang aking kamay sa tagiliran niya, hinding-hi

IKA-14 NA LINGGO NG KARANIWANG PANAHON A

Image
ANG KAPANGYARIHAN NG PAGKA-BANAYAD   Ano ba ang nangyari sa ating mundo?   Kung gusto nating manalo sa argumento, nagtataas tayo ng boses, kahit mali tayo.   Kung nais nating manaig, naninira tayo at nanghihiya ng iba sa social media.   Kung gusto nating mabilis na makuha ang isang bagay, nagbabanta tayo o namba blackmail.   Kung gusto nating lupigin ang kaaway, gumagamit tayo ng pananakit o pumapatay.   Ipinipilit natin ang ating karapatan sa pagiging marahas, malupit at walang pitagan.   Kaya sa mundo ngayon, ang mga ugnayan ay marupok, panandalian, at watak-watak.   Ipinapakita ng Diyos sa atin ang isang kakaibang paraan ng pakikipag-kapwa.   Ipinapahayag ni Propeta Zacarias (ch 9) ang pagdating ng Prinsipe ng Kapayapaan – isang hari at tagapagligtas – na dumarating sa gitna ng kaamuan at kabutihan.   Sinasakop niya ang lupain na hindi mataas ang boses at hindi mabigat ang kamay. Ang sandata niya ay tanging kapayapaan.   Sa Mabuting Balita