SI KOBE BRYANT AY ISANG "PROUD CATHOLIC"
Namamaalam tayo ngayon sa isang higante sa larangan ng isports, sa larong basketball – si Kobe Bean Bryant. Mahalagang malaman ng lahat na ang idolo na ito ng mga kabataan ay isang Katoliko na nagsikap mabuhay ayon sa kanyang pananampalataya, sa gitna ng mga kahinaan at tukso ng buhay, at nakabawi sa mga dagok ng tadhana dahil sa kanya ring pananalig sa Panginoon. Bukod sa basketball, si Kobe ay may magandang asawa at isang ama ng tahanan, at nagsabing sa pinakamalaking pagsubok sa kanyang buhay ang kanyang pananampalatayang Katoliko ang nagtawid sa kanya at sa buhay ng kanyang pamilya. Pinalaking Katoliko si Kobe habang sila noon ay nakatira sa Italy. Nagpakasal sila ng kanyang asawang si Vanessa sa isang parokya sa California. Noong 2013 si Kobe ay dumaan sa malaking pagsubok dahil sa isang maling ugnayan niya sa isang babae, na noong kalaunan ay naayos din naman. Sinabi niyang isang pari ang tumulong sa kanya sa gitna ng pi