PAGBIBINYAG SA PANGINOON A
BINYAG NI BIEBER
Bihira ko makita sa tv is Justin
Bieber na nagpapatawa.
Kaya minsan, sa isang comedy
show, pinanood ko siya, at medyo magaling pala naman siya sa humor.
Sa dulo ng kanyang mga jokes
sinabi niyang may seryoso siyang mensahe at ito ang sinabi niya: Salamat
Panginoon dahil sa iyong biyaya at dahil sa hindi mo ako pinababayaan.
Nabasa ko minsan na isa nang
masugid na Kristiyano si Justin pero ngayon ko lang na-witness ito!
Ngayon ang pagdiriwang ng
Pagbibinyag sa Panginoong Hesukristo sa Ilog ng Jordan.
Isa itong misteryong patuloy na
ibinabahagi sa atin habang tayo rin ay nakakaranas ng bagong buhay sa tubig ng
sakramento.
Maraming Katoliko ang binyagan
bilang mga sanggol o bata, sa kanilang mga parokya. (Si Justin nga pala ay
bininyagan ng kanyang pastor sa isang higanteng bath tub).
Ang kahulugan ng seremonyang ito
ay nawawala sa atin habang lumalaki tayo, lalo na at naghahagilap ng anumang
gusto natin at anumang direksyong nais tahakin.
Ang sinabi ni Justin Bieber ay
nagpa-alala sa akin ng kahulugan ng binyag.
At ito ay ang pagiging karugtong
natin sa buhay ni Kristo; na mahal niya tayo; na inaalagaan niya tayo; na
binabago niya tayo kung papayagan natin siya; na siya ang galak ng ating buhay.
Mahalagang mabatid natin ang katotohanang
ito – at maibahagi natin ito sa iba!
Naging matibay na tradisyon natin
ang binyag sa simbahan pero nawawala naman ang kahulugan nito sa mga
binibinyagan, hanggang dumating ang panahon ng krisis sa buhay.
Pagdating ng mga pagsubok, doon
natin nalalasap ang pananampalataya at ibinabahagi ito sa iba.
Bilang mga Katoliko hindi tayo
sanay na magsalita ukol sa pananampalataya tulad ng ibang mga Kristiyano.
At tiyak hindi naman kailangang
gayahin natin sila, o si Justin!
Isinasabuhay natin at ibinabahagi
ang pananampalataya sa maraming paraan – lalo na sa paraang makapagpapadama sa
kapwa ng pagmamahal, kabutihan at pagpapatawad ng Diyos.
Ang ibang tao ay sadyang masalita
tungkol sa kanilang ugnayan sa Panginoon.
Ang iba naman ay tahimik lang na
namumuhay nang banayad, mababang-loob at simple.
Ang iba ay nagpapakita ng
pananampalataya sa pamamagitan ng paglilingkod sa simbahan o sa mga mahihirap.
Isang kaibigang pari ang nagkuwento
sa akin ng karanasan ng kanyang parishioner na nagbagong lubos matapos ang isang
malaking krisis na personal at pampamilya.
Noong una, ang tao daw ay walang
pakialam sa buhay, at laging nakikipaglaro sa mga masasamang bisyo.
Dumating ang punto na nais na
niyang magbago, kaya bumalik siya sa pananampalataya niya at nagsimulang
magdasal at mag-alay ng serbisyo sa kanyang parokya.
Nagulat ang lahat na ang isang
pusakal na makasalanan ay tinanggap ng parokya para maglingkod. Subalit nagbago
na ang buhay ng tao. Siya at ang kanyang pamilya at payapa at masigla na sa
ugnayan nila sa Diyos at sa isa-t-isa.
Dahil nabinyagan, laging may pag-asa sa buhay ng isang tao upang magbago... balang araw... tulad ni Justin Bieber, at tulad natin...
Dahil nabinyagan, laging may pag-asa sa buhay ng isang tao upang magbago... balang araw... tulad ni Justin Bieber, at tulad natin...
Bakit hindi natin pasalamatan
ngayon ang Panginoon sa kanyang dakilang pagmamahal, na nag-anyaya sa atin na
makibahagi sa Binyag ni Hesus?
Tapos, isipin natin kung ano ba ang
mga hamon ng Diyos sa atin sa ngayon.
Paano ba tayo tinatawag na
isabuhay ang pananampalataya sa gitna ng mga pagsubok natin sa buhay?
Sa anong paraan ba natin
maibabahagi ang pananampalataya sa mga taong nakapaligid sa atin?
-----
PLS HELP BOOST THIS BLOG'S PERFORMANCE BY BEING A "FOLLOWER" IN 3 SIMPLE STEPS:
first, go to my blog: ourparishpriest.blogspot.com (you are here now);
first, go to my blog: ourparishpriest.blogspot.com (you are here now);
hope you'll have time for this short thing today. thanks po. God bless po!
Comments