SI KOBE BRYANT AY ISANG "PROUD CATHOLIC"






Namamaalam tayo ngayon sa isang higante sa larangan ng isports, sa larong basketball – si Kobe Bean Bryant.



Mahalagang malaman ng lahat na ang idolo na ito ng mga kabataan ay isang Katoliko na nagsikap mabuhay ayon sa kanyang pananampalataya, sa gitna ng mga kahinaan at tukso ng buhay, at nakabawi sa mga dagok ng tadhana dahil sa kanya ring pananalig sa Panginoon.



Bukod sa basketball, si Kobe ay may magandang asawa at isang ama ng tahanan, at nagsabing sa pinakamalaking pagsubok sa kanyang buhay ang kanyang pananampalatayang Katoliko ang nagtawid sa kanya at sa buhay ng kanyang pamilya.



Pinalaking Katoliko si Kobe habang sila noon ay nakatira sa Italy. Nagpakasal sila ng kanyang asawang si Vanessa sa isang parokya sa California.



Noong 2013 si Kobe ay dumaan sa malaking pagsubok dahil sa isang maling ugnayan niya sa isang babae, na noong kalaunan ay naayos din naman.



Sinabi niyang isang pari ang tumulong sa kanya sa gitna ng pinagdaanan niyang hirap ng loob at gulo ng isip. “Ang isang bagay na talagang nakatulong sa akin sa prosesong iyon – ako’y Katoliko, lumaking Katoliko, ang mga anak ko’y Katoliko – ay ang pakikipag-usap ko sa isang pari.”



Sinabi daw ng pari sa kanya. “Pabayaan mo iyan. Tuloy lang ang buhay. Hindi ka bibigyan ng Diyos ng pagsubok na hindi mo kakayanin; at nasa kamay na niya ang lahat ng ito. Hindi mo ito mapipigil. Kaya, hayaan mo lang.”



Ito ang nagbigay sa kanya ng lakas ng loob.



Muntik na rin silang mag-asawa na mag-divorce. Pero, ipinaglaban niya ang kanyang pamilya hanggang sa huli kaya naiwasan ang kanilang paghihiwalay. Apat na babae ang naging anak ng mag-asawa.





Sinasabing regular na parishioners ang pamilya ni Kobe sa isang parokya sa California. May nakakakita sa kanyang nagsisimba doon at tumatanggap pa daw ito ng Komunyon.



Kaugnay sa kanyang pananampalatayang Katoliko, nagtayo si Kobe at asawa niya ng isang foundation para sa mga kabataang walang tahanan at para sa mga proyektong makakatulong sa mahihirap.



Nang mamatay si Kobe at ang kanyang 13 anyos na anak na si Gianna sa isang aksidente sa helicopter na sinasakyan nila noong January 26, 2020, mismong ang arsobispo ng Los Angeles na si Archbishop Jose Gomez ay nagpahayag ng pakikiramay at panalangin sa kanyang twitter. 

Ayon sa mga nakakita, bago ang aksidente, nagsimba ang mag-ama sa isang parokyang malapit sa kanila, ang Our Lady Queen of Angels Parish, at kapwa tumanggap pa ng Banal na Komunyon. 



Sa FB account ni Bishop Timothy Freyer ng diocese ng Orange, sinabi niyang si Kobe ay isang "committed Catholic" na tunay na nagmamahal sa kanyang pananampalataya at sa kanyang pamilya.

Dahil nakatira siya sa Orange diocese sa California, madalas daw itong magsimba at maupo sa likod para huwag makapukaw ng atensyon ng ibang tao.

Rest in the peace of Christ the Lord...

https://www.youtube.com/watch?v=yrx_SbS7CVM 

(pls share...)

Comments

Popular posts from this blog

HOLY MASS IN FILIPINO (TAGALOG)

SIMBANG GABI DAY 1: READINGS AND REFLECTIONS

SIMBANG GABI DAY 2: READINGS AND REFLECTIONS