IKA-ANIM NA LINGGO NG PAGKABUHAY, K
--> KUNG KAILANGAN MO NG KAPAYAPAAN Akala natin ang kailangan natin ay “mas marami.” Mas maraming pera. Mas maraming gamit. Mas maraming narating. Akala natin sasaya tayo pag meron tayong mas marami. Tapos nagugulat tayo na kapag meron na tayo ng mga tunay na kailangan natin, yung mas marami ay hindi sanhi ng kaligayahan. Minsan pa nga ito ang nagdudulot ng problema sa buhay. Sa mundo ngayon, ang kailangan talaga natin ay kapayapaan. Oo, sa Middle East, sa magugulong lugar, sa mga banta ng terorismo. Pero higit pa diyan, sa ating puso, kapayapaan ng isip, puso at damdamin. Tanggapin natin ang totoo: mula paggising hanggang pagtulog, hindi ba laging may umuukilkil sa isip natin, bumabagabag sa puso natin na isang libo’t isang pangamba at alalahanin? Para sa marami, ang laging kapiling natin ay takot. Takot dahil sa nakaraan na laging nagpapaalala sa atin na tayo ay nagkamali at palpak. O takot para sa kinabukasan, na hindi natin kayang