MAAWA KA NAMAN, LORD!
BAWAT ARAW KASAMA SI
SAN FRANCISCO DE SALES 24
Tuwing nababagabag ang loob mo,
sundin ang payo ni San Agustin:
“Magmadali ka, tulad ni David, na
sumigaw: Maawa po kayo sa akin, Panginoon! Upang iunat niya ang kanyang kamay
upang papayapain ang iyong galit o anumang bumabagabag sa iyo.”
Tularan ang mga apostol na, noong
nasa gitna ng isang rumaragasang unos, ay tumawag sa Diyos upang tulungan sila.
Pakakalmahin niya ang iyong galit
tulad ng ginawa sa dagat at papalitan ito ng kapayapaan.
Tandaan mong manalangin nang
panatag at malumanay.
Kung mabatid mong ikaw ay
nagbigay daan sa galit o inis, agad ituwid ang pagkakamali sa tulong ng isang
gawaing mabuti sa taong iyong nasaktan.
Kung makapagsinungaling ka, ang
pinakamainam ay bawiin ito agad.
Ang pinakamabisang lunas sa galit
ay ang dagliang paggawa ng kabutihan.
Ang mga bagong sugat ang
pinakamadaling gamutin.
Sa maghapong ito:
MAAWA PO KAYO SA AKIN, PANGINOON
KO!
(paki-share po para lalong makatulong sa iba at dumami ang magpuri sa Panginoon. thanks po!)
-->