MAY PUSO KA BA PARA SA MGA DUKHA?


BAWAT ARAW KASAMA SI SAN FRANCISCO DE SALES 21






Nagiging katulad tayo ng ating minamahal, kaya nga nagiging dukha ang ating puso kapag minamahal natin ang diwa ng karukhaan at nililingap nating ang mga mahihirap sa ating paligid.



“Kapag may nanghihina, nanghihina rin ako” – sabi ni San Pablo (2 Cor 11:29); halos sinabi na rin niya ang ganito – "kapag may mahirap, nagiging mahirap din ako."



Kung talagang may puso tayo para sa mga mahihirap, at tunay na pumapasok sa mundo ng kanilang kahirapan, magiging dukha tayo kapiling nila.



Hindi natin kayang mahalin ang mga dukha kung malayo tayo sa kanila; tanging kung kapiling nila tayo, dinadalaw natin sila, kinakausap nang malaya at bukas-loob, kasama nila sa ating mga simbahan man o lansangan, kung saanman naroroon ang karukhaan, kung saan man may mga pangangailangan.



Makipag-ugnayan sa lahat ng tao mula sa sariling karukhaan ng iyong puso, subalit pabayaan mong maging mayaman ang iyong mga kamay sa malayang pagbabahagi ng anumang mayroon ka.



Mapalad ang mga dukha dahil sa kanila ang Kaharian ng langit.



Sa kanila, ang Hari ng mga Hari, na siyang Hari ng mga dukha, ay magsasabi sa wakas ng panahon: “Ako’y nagugutom at pinakain mo ako; Ako’y hubad at dinamitan mo ako. Halika, pumasok ka sa Kahariang inihanda para sa iyo sa simula pa ng daigdig.”





Sa maghapong ito:



KAPAG MAY MGA DUKHA, AKO DIN AY NAGIGING DUKHA.



(paki-share po para lalong makatulong sa iba at dumami ang magpuri sa Panginoon. thanks po!)




-->

Popular posts from this blog

HOLY MASS IN FILIPINO (TAGALOG)

SIMBANG GABI DAY 1: READINGS AND REFLECTIONS

SIMBANG GABI DAY 2: READINGS AND REFLECTIONS