HUWAG MAGING MAGAGALITIN


BAWAT ARAW KASAMA SI SAN FRANCISCO DE SALES 23







Naglalakbay tayong lahat tungo sa buhay na banal.



Huwag tayong maging galit sa isa’t-isa.



Sa halip, pasulong na lumakad kasama ang ibang manlalakbay, ang ating mga kapatid, na may pagkabanayad, kapayapaan at pagmamahal.



At kung anuman ang maganap sa daan, gaano man kasuklam-suklam ang mga pangyayari, huwag pabayaang magkaroon ng poot sa iyong puso.



Taglayin mo ang payo ni Jose (sa Lumang Tipan) nang nagpaalam siya sa kanyang mga kapatid: “Huwag kayong magkagalit habang daan.”



Huwag pabayaang makapasok ni katiting na galit sa iyong puso.



Iwaglit nang lubos, sabi ni San Agustin, ang kahit munting presensya ng galit, kahit pa tila may katuwiran ka.



Dahil kapag nakapasok ito sa iyong puso, mahirap na itong bunutin.



Ang isang tuldok ay madaling nagiging isang haligi. Mananatili ito sa iyo kung hindi mo susundin ang payo ni San Pablo na huwag hayaang malubugan ng araw ang iyong galit; ang pagkagalit ay magiging pagkamuhi at pagkapoot balang araw.



Kapag lalo pa itong pinakain ng mga hinuha at imahinasyon, magiging imposible na makawala ka pa dito.



Pinakamainam na iwasan ang galit kaysa labanan ito pagkatapos; dahil kapag binigyan mo ng isang pulgada ang galit, madali itong humaba sa isang milya.





Sa maghapong ito:



HUWAG KA NANG MAGALIT, KAPATID. sige... papangit ka... lalo (joke)!!!



(paki-share po para lalong makatulong sa iba at dumami ang magpuri sa Panginoon. thanks po!)
-->

Popular posts from this blog

HOLY MASS IN FILIPINO (TAGALOG)

SIMBANG GABI DAY 1: READINGS AND REFLECTIONS

SIMBANG GABI DAY 2: READINGS AND REFLECTIONS