TAGALOG PRAYERS FOR POPE BENEDICT XVI AND
THE NEXT POPE
STO. TOMAS DE VILLANUEVA PARISH
PASIG CITY
(TO BE LED BY THE PRIEST
BEFORE FINAL BLESSING)
A. Prayers for Benedict XVI (UNTIL FEB. 28,
2013)
PANALANGIN PARA KAY POPE BENEDICT XVI
PANGINOON, KAYO ANG PUMILI SA AMING SANTO PAPA,
POPE BENEDICT XVI UPANG MAMUNO SA INYONG SIMBAHAN. NAGPAPASALAMAT KAMING LUBOS
SA MGA TAON NG KANYANG PAGLILINGKOD.
HILING PO NAMIN NA MATAPOS SIYANG MAGLINGKOD BILANG KINATAWAN DITO SA
LUPA NI HESUKRISTONG IYONG ANAK, MATAMO NAWA NIYA ANG SAGANANG PAGPAPALA SA
BUHAY NA ITO AT GAYUNDIN SA LUWALHATI NG LANGIT. SA PAMAMAGITAN NI KRISTONG AMING PANGINOON. AMEN.
(AMA NAMIN, ABA GINOONG
MARIA, LUWALHATI…)
B. FOR THE ELECTION OF THE NEW POPE (FROM
MARCH 1 UNTIL THE NEW POPE IS ELECTED)
PANALANGIN SA PAGPILI AT
PAGHALAL SA BAGONG SANTO PAPA
O PANGINOON, MABUTING PASTOL, NA WALANG HUMPAY NA
KUMAKALINGA SA IYONG KAWAN, IPAGKALOOB PO NINYO SA AMIN ANG ISANG PASTOL, NA
KAHALILI NI POPE BENEDICT XVI, ANG MAGIGING AMING BAGONG SANTO PAPA, NA SA
KANYANG KABANALAN AY MAGIGING KALUGOD-LUGOD SA INYO AT MAGPAPAKITA SA AMIN NG
TAPAT NA PANGANGALAGA. SA PAMAMAGITAN NI HESUKRISTONG ANAK MO AT PANGINOON
NAMIN NA NABUBUHAY AT NAGHAHARI KASAMA NG ESPIRITU SANTO, IISANG DIYOS,
MAGPAKAILANMAN. AMEN.
(AMA NAMIN, ABA GINOONG
MARIA, LUWALHATI…)
C. FOR THE NEWLY ELECTED POPE (WHEN HIS
NAME IS ANNOUNCED, FOR 9 DAYS)
PANALANGIN PARA SA BAGONG
SANTO PAPA
PANGINOON, PASTOL AT PINUNO NG LAHAT NG
SUMASAMPALATAYA, TUNGHAYAN PO NINYO ANG INYONG LINGKOD NA SI POPE ______, NA
SIYANG ITINALAGA NINYONG MAMUNO SA INYONG SIMBAHAN BILANG BAGONG SANTO PAPA,
BAGO NAMING PASTOL; IPAGKALOOB PO NINYO, AMING HILING, NA SA KANYANG SALITA AT
GAWA, TUNAY SIYANG MAKAPAGLINGKOD UPANG ANG KAWAN NA IPINAGKATIWALA SA KANYA AT
MAKARATING SA BUHAY NA WALANG HANGGAN. SA PAMAMAGITAN NI HESUKRISTONG IYONG
ANAK AT PANGINOON NAMIN, KASAMA NG ESPIRITU SANTO, IISANG DIYOS,
MAGPAKAILANMAN. AMEN.
(AMA NAMIN, ABA GINOONG
MARIA, LUWALHATI…)