SAINTS OF JUNE: SAN JUAN BAUTISTA

HUNYO 24

 


 

A. KUWENTO NG BUHAY

 

Karaniwan sa mga kapistahan ng mga santo ang ipinagdiriwang ay ang kanilang maluwalhating kamatayan, ang kanilang pagsilang sa langit.  Kung tutuusin, tatlong kaarawan ng pagsilang sa lupa lamang ang kasama sa talaan ng mga kapistahan.

 

Ipinagdiriwang natin ang kaarawan ng pagsilang ng Panginoong Hesukristo sa Disyembre 25, ng Mahal na Birheng Maria sa Septiyembre 8, at ni San Juan Bautista sa araw na ito, Hunyo 24.

 

Ang Mabuting Balita ang saksi sa mga pangyayari sa pagsilang ni San Juan Bautista.  Matutunghayan ito sa Mabuting Balita ayon kay San Lukas, kabanata 1.

 

Si San Juan ay anak ni Zacarias at Elisabet.  Si Elisabet ay pinsan ng Mahal na Birheng Maria. Isang himala ang naganap sa pagsilang ni Juan sapagkat kapwa matanda na at baog pa ang kanyang mga magulang.

 

Si Zacarias ay isang paring naglilingkod sa Templo. Habang nag-aalay sa Templo, nagpakita sa kanya ang Arkangel Gabriel na may balitang kinalugdan siya ng Diyos.  at sa kabila ng pagiging matanda at baog nilang mag-asawa, magkakaroon sila ng isang anak na lalaki.

 

Itinuturing na pinakahuli at pinakadakila sa mga propeta si San Juan.  Ang kanyang natatanging misyon ay ang ihanda ang mga tao sa pagdating ng Mesiyas na hinihintay ng Israel (Mateo 3:3).

 

Nang dumating ang Panginoong Hesus, si San Juan ang naglahad sa kanyang mga alagad na naririto na ang Mesiyas. Buong kababaang-loob niyang hinimok sila sa sundan si Hesus, ang Kordero ng Diyos (Juan 1:29).

 

 

 

B. HAMON SA BUHAY

 

Napakapalad ni San Juan upang mapili na mangunguna sa landas ni Hesus. Pero alam ba natin na tayo din ay mapalad dahil araw-arawa maraming pagkakataon para ipakilala natin si Hesus sa ating kapwa, sa pamamagitan man ng salita o lalo’t higit, ng ating mga gawang puno ng pag-ibig at pang-unawa.

 

K. KATAGA NG BUHAY

 

Lk 1: 76-78

Comments

Popular posts from this blog

HOLY MASS IN FILIPINO (TAGALOG)

SIMBANG GABI DAY 1: READINGS AND REFLECTIONS

SIMBANG GABI DAY 2: READINGS AND REFLECTIONS