DAKILANG KAPISTAHAN NG KRISTONG HARI


SAANG ROW KA NAKAUPO?




Sa aking pagninilay sa Ebanghelyo sa Solemnidad ng Kristong Hari, naalala ko ang aking kabataan. Sa grade school, tayo pinapaupo ng ating mga guro ng “by row”. Ang bawat row ay may inirerepresentang ugali sa klase. Ang mga nakaupo sa unang row ay tahimik at masisipag mag-aral. Ang mga nasa pangalawang row ay may unting kakulangan sa pokus. At sa pangatlo, pang-apat at panglima.. Alam kong nauunawaan niyo ang aking ibig sabihin.

Sinasabi sa atin ng ebanghelyo na ihihiwalay niya ang mga tupa sa kambing, gaya ng ginagawa ng ibang pastol; may ilan sa kanan at yung iba sa kaliwa. Ito ay normal. Ito ay ginagawa para ipagsama ang dapat na magkakasama. Ang mga nasa kanan ay makakatanggap ng papuri at gantimpala. Ang mga nasa kaliwa ay ang mga umalis at lumisan o ang mga tumalikod sa Diyos.

Pero paano ba ako makakapunta sa unang row sa kanang bahagi? Gusto ko mapunta kung nasaan ang mga tupa. Paano ako mapapabilang sa taong tahimik? Pag dating sa mga uliran, pangarap, intension, sa tingin ko, mas madali ito kung tayo ay mapupunta sa unang row, kasama ang mga tupang nararapat papurihan dahil sa kanilang paglilingkod. Sa mga taong hindi maiisip gumawa ng masama, na ibabahagi ang kanyang buhay, mag-aalay ng paglilingkod para maranasan ang kagalakan? Madaling mangarap ng mga mabubuting bagay.

Ngunit ipinapaalala sa atin ng Ebanghelyo na hindi an gating intension at layunin ang magpapabilang sa atin sa mga tupa. Ito ay isang tunay na aksyon, praktikal na aksyon, na magbibigay daan para tayo ay maging karapat dapat na maligtas. Ang Panginoong Hesus ay binibigyan tayo ng pahiwatig sa mga bagay na adapat nating gawin, anong gawa ng pag-ibig, ang dapat nating isagawa para sa iba, anong kilos ng pagsuporta ang dapat nating ipakita bilang mga Kristyano.

Pagbabahagi ng pagkain, inumin, damit. Paglalaan ng oras sa may sakit, at nakakulong. Kabutihan sa mga hindi natin kakilala – ito ay mga aksyon, pamantayan na nagtulak kay Hesus para sabihin: “Halika, ikaw ay pinagpala ng aking Ama!”

Ito ay hindi madaling gawin, dahil ang buhay natin ay nagbago na. Tayo ay abala at nagagalit sa ating trabaho at mga pinagkakaabalahan. Ang pagbabahagi ay nagiging mahirap.

Sa paglalayo ng biyaya ng buhay na walang hanggan, Ang Diyos ay gaganitin ang parehong pamantayan sa atin. Ang kaparehas na aksyon, na hindi natin ipinagsasawalang bahala natin ay ang magpapadinig sa atin ng mga salita ng Panginoon sa Araw ng Paghuhusga: Lumayo ka sa akin, ikaw na sinumpa! Siguro ay hindi natin gusto na mapabilang sa mga row sa kaliwang dako.

Sa ating pagdiriwang ng Solemnidad ng Kristong Hari, tignan natin an gating mga puso at aksyon. Gusto ba talaga natin na makasama ang ating hari and gawin ang lahat para mapatunayan ito? Tayo unti unti ng pumapasok sa panahon ng pagdating ng ating Panginoon. Nawa ang transisyon na ito ay gawin tayong malay na ilagay ang ating mga ninanais sa praktikal, konkretong aksyon ng pagmamahal, pagbabahagi at pagsuporta.

Nawa ay maging karapat dapat tayo ng mapunta sa unang row.

Popular posts from this blog

HOLY MASS IN FILIPINO (TAGALOG)

SIMBANG GABI DAY 1: READINGS AND REFLECTIONS

SIMBANG GABI DAY 2: READINGS AND REFLECTIONS