IKA-31 LINGGO SA KARANIWANG PANAHON A


TAPAT SA MISYON


Ang Diyos ay galit sa mga taong malapit sa kanya. Sa unang pagbasa, ang Diyos ay naglabas ng isang matinding sakdal ng kanyang mga Pari, ang mga Pari ng Israel. Hindi sila naging tapat, hindi nila ginagabayan ng mabuti ang bayan ng Diyos. At dahil dun, tatanggalan sila ng bendisyon ng Diyos.

Nagpatuloy ang paghatol na ito sa Ebanghelyo ng akusahan ni Hesus ang mga Manunulat at ang mga Pariseo, mga taong malapit sa templo ng panlilinlang. Sila ay nagtuturo, nagsasagawa ng mga ritwal, para lang magpakitang tao at sambahin ng mga tao. Ang masama pa dito ay, nagtuturo sila ng mga kautusan, pero sila mismo ay hindi isinasagawa ang kanilang mga itinuturo.

Ang mga pagbasa ay nakasulat na sa malayong nakaraan, pero ito ay pamilyar sa ating mga tenga at mata. Hindi ba’t napagalaman din natin na ang mga Pari ay tao din? Sila ay mahina din at pagiray-giray ang pananampalataya. Hindi ba’t nakikita rin natin ang mga taong ginawang kanilang pangalawang tahanan ang simbahan ngunit nabubuhay pa rin ng may kababawan? Sila ay nasa simbahan hindi para maging malapit sa Diyos ngunit para makita ng iba na sila ay mabuti at banal. Sa realidad, ang lahat ay pakitang tao lang.

Bakit ang Diyos ay deskontentado? Ito ay dahil sa mga tao bingyan niya ng maselan na tungkulin, isang seryosong responsibilidad. Ang Diyos ay ginawa silang gabay sa mga mahihina, sa mga maliliit, mga mahihirap. Pero dahil hindi sila tapat, wala silang kapasidad na magbigay ng pag-asa sa iba.

Ang Mensahe ng Diyos ay hindi pinagbabawal sa mga makakasayang taong ito. Ito ay para sa atin ngayon. Karamihan sa atin ay mayroong responsibildad sa iba. Tayo ay mga magulang, asawa, trabahador, guro, kaibigan, mag-aaral, tagapanagalaga, nakakatanda – at ang ating mga buhay ay nakaugnay sa mg taong nangangailangan ng liwanag ng Diyos. Sila ay mga taong umaasa sa atin na maranasan ang Diyos.

Tayo ba ay tapat sa ating misyon? Karamihan sa atin ay sumusuko kapag ang pagsubok natin ay dumadami. Tayo ay lagging natutuksong sumuko o tumigil sa paglilingkod at pagmamahal kapag tayo ay nasimulan ng masaktan. Kaya tayo ay nakukuntento na lamang sa pinakamababaw na uri ng relasyon tungo sa iba.

Sa pangalawang pagbasa, binigay na halimbawa ng Panginoon si San Pablo na naglilingkod sa “Thessalonians”, hindi lamang niya ipinahayag sa kanila ang ebanghelyo kundi inalay niya ang kanyang buong puso. Hindi inisip ni San Pablo ang kanyang sarili kundi mas inisip niya ang mga taong maari niyang ilapit kay Kristo.

Nung huling lingo, isang italyanong misyonero ang pinatay sa ngalan ng pagyakap niya sa paglilingkod. Isa siyang tapat na lingkod ni Hesus at ng mga mahihirap sa Mindanao. Nung huling linggo din, nasaksihan ko ang burol at libing ni Ka Luring, na boluntaryong namuhay bilang isang mahirap, walang asawa at lingkod sa ibang tao. Namuhay siya bilang isang katekista na tumutulong sa mahihirap na kabataan at pamilya sa ilang lugar sa Maynila.

Ang galit ng Diyos ay nanggagaling sa pagsasawalang bahala natin sa ating responsibilidad ngunit ang grasya niya ay dumadaloy sa mga tapat sa kanya. Tayo ay magdasal lagi para sa biyaya ng katapatan.

Popular posts from this blog

HOLY MASS IN FILIPINO (TAGALOG)

SIMBANG GABI DAY 1: READINGS AND REFLECTIONS

SIMBANG GABI DAY 2: READINGS AND REFLECTIONS