IKA-32 LINGGO SA KARANIWANG PANAHON A


TUNGKOL SA MGA MATATALINO AT SA MGA HANGAL


Ito ay isa sa pinaka-alam na parabula at isa din sa pinaka-instruktibo  sa buhay at sa mga susunod. Ipinahayag ng Ebanghelyo ang tungkol sa mga birhen sa kanilang pagdalo sa isang kasalan. Sila ay inatasang salubungin ang lalaki at ihatid sa salu-salo. Ang lima ay matalino na birhen. Ang lima ay hangal. Anong ang ibig sabihin ng klasipikasyon na ito – matalino at hangal?

Bakit hindi maging matalino at ignorante? Kung ang mga birhen ay ignorante, sila ay walang malay sa ilang bagay at walang sala sa hindi pagkakaroon ng langis sa kanilang lampara. Bakit hind maging matalino at umid? Kung sila ay umid, wala silang kakayanang mag-isip at magnilay ng malalim sa mga bagay. Bakit hind maging matalino at tamad? Kung sila ay tamad, sila ay pabaya sa mga gawain nila.

Mas gusto ng Panginoong Hesus na tawaging matalino at hangal ang mga birhen. Alam ng mga hangal ang kanilang dapat gawin pero hindi nila ito ginagawa. Samantalang ang mga matatalino ay nagdala ng langis kasama ang lampara, ang mga hangal, sabi ng Panginoon: wag kayong magdala ng langis. Sadya ang hindi pagdadala ng langis!

Alam nilang mayroon silang kailangan pero hindi sila nagdala ng kahit ano. Kahit isa, wala. Pansinin natin na ang mga birhen ay hindi nagdala masyado ng langis. Sila ay nagdala lamang ng sapat at nakaraos sa pagsubok. Ang mg hangal ay hindi talaga nag-abalang magdala ng kahit ano.

Ang kasong ito ay hindi natin masasabi na dahil sa nakalimutan ito, hindi sila nasabihan o purong katamaran lang. Mukhang ang mga birhen na ito ay hindi talaga nagdala ng langis dahil wala silang balak buksan ang kanilang mga lampara. Hindi talaga nila gusto na makiisa sa diwa ng kasal. Maaring andun nga sila sa pisikal na aspeto pero sila ay wala sa espiritwal na aspeto.

Hindi ba’t minsan pag may nakakasama tayong pumunta sa beach, yung iba walang dalang “swimming gear”, o pumunta sa school na walang panulat at papel? o pumunta sa party na walang dalang regalo sa may kaarawan? Alam nila kung ano yung mga mahahalaga at mga dapat na dalhin ngunit sadyang hindi sila interesadong bigyan ito ng pansin.

Marahil ang remedy ay, interes, sigasig, kasabikan sa mga bagay at sa alin mang meron ka. Para sa buhay buhay na walang hanggan! Tayo ay makakaraos sa buhay na dala lamang ang mga pangunahing bagay, ang lampara, na walang langis para ito ay mag-apoy at magbaga at lumiwanag. May mga magkasintahang naninirahan sa isang bubong ay kuntento na sila ay hindi nakakatanggap ng sakramento ng kasal – wala silang langis para gawing pinagmumulan ng grasya ang kasal. Ang mga taong nagtatrabaho lamang para sa pera ay walang langis para maatim ang kahusayan. Ang mga mananamapalatay na nakukutento na sa mga ritwal at tradisyon ay walang langis para palalimin ang kanilang relasyon sa Panginoon.

Hinanda ng Diyos ang buhay na parang pista. Nandito ka ba para magsaya? Para makisama ng lubusan sa selebrasyon? O sumasabay lang sa agos? Mayroon pang oras. Hilingin sa Panginoon ang langis na makakapagpaliwanag sa iyong lampara.

Popular posts from this blog

HOLY MASS IN FILIPINO (TAGALOG)

SIMBANG GABI DAY 1: READINGS AND REFLECTIONS

SIMBANG GABI DAY 2: READINGS AND REFLECTIONS