PASKO 2014
PERPEKTONG PAG-IBIG SA
PALPAK NA MUNDO
Mahirap
ang buhay… madrama ang buhay… pabigat ang buhay…
Palagi
natin itong naririnig at paano ka tatanggi? Pati tayo alam natin na ito ay totoo.
Kay
maraming tao ang ayaw nang mabuhay; marami ang suko na sa buhay; maraming tao
ang ayaw nang maging tao – espiritu na lang, para malaya na sa buhay!
Kasi
naman, walang kuwentang mabuhay!
At
mahirap ang buhay… madrama ang buhay…
pabigat ang buhay…
Ganito
din nakikita ng Diyos ang buhay kasi nakikita niya kung paano ang mga anak
niya’y naghihirap, nagsisikap sa gitna ng mga pagsubok. Alam niya na hindi ginhawa, hindi
hayahay ang lahat sa planetang ito.
Iba
ang tugon ng Diyos.
Mahirap
ang buhay, kaya ayoko na - ganito
tayo!
Ang
Diyos: mahirap ang buhay kaya sisimulang kong mabuhay; yayakapin ko ang buhay
ng aking mga anak.
Ang
Diyos ay hindi umaayaw sa buhay kundi umiibig sa buhay. Kung umaayaw siya, e di
wala nang Pasko. Umiibig siya kaya dumating siya upang makibahagi sa mga bagay
na mahirap at pabigat sa ating buhay.
Ito
ang kahulugan ng Pasko: hindi perpekto ang mundo – na puro mabuti lahat ng tao,
na puro maganda ang pangyayari, na panay maganda ang pakiramdam… kaya nga
narito ngayon ang Diyos upang samahan tayo, upang maranasan natin paano
mahalin, paano kalingain, paano sabayan at samahan, paano akayin sa liwanag.
Sa
mundong hindi perpekto, ang Sanggol na si Hesus ay pumapasok bilang perpektong
pag-ibig ng Ama para sa ating lahat.
Kaya pala: “at tumira Siya
sa gitna natin.” Kaya pala
Immanuel: Kasama natin ang Diyos!
Dahil
kasama ko Siya, sa aking puso, sa aking buhay, may kuwenta muli ang mabuhay!
Salamat
po, Panginoon sa pagdating mo sa hindi perpektong mundo ko.
Maligayang
Kaarawan, Perpektong Pag-ibig ng Diyos!