IKA-23 LINGGO NG KARANIWANG PANAHON K

-->
ISALI MO ANG ISIP!



Maraming mga tao ang lumalayo na sa relihyon dahil gusto nilang maging malaya. Kasi ang relihyon daw ay ginagawa lang tayong mga tau-tauhan na susunod kahit hindi nauunawaan ang mga bagay. At totoo din naman na maraming taong may pananampalataya daw pero hindi naman alam kung ano talaga ang kahulugan ng kanilang ginagawa o isinasabuhay.



Sa Mabuting Balita ngayon, Lk 14: 25-33, winawasak ng Panginoon ang maling gawi na pananampalatayang walang pagkakaunawa at ang bulag na pagsunod sa nakaugalian or tradisyon lamang. Sabi ng Panginoong Hesus, kailangang mag-isip-isip din kapag may time. Para daw itong pagpaplano sa paggawa ng isang tore para hindi maudlot ang pagawain kapag nasa kalagitnaan na. Para daw itong isang hari na nag-iisip mabuti kung makikidigma ba o makikipag-negosiasyon na lamang sa makapangyarihang kaaway.



Buong buhay ang kalahok sa bawat akto ng pananampalataya. Marami sa atin ang pananampalataya ay pinatatakbo lamang ng emosyon. O kaya mga kahilingan pang-araw-araw. O kaya naman ay takot na magalit sa kanila ang Diyos. Mahalaga nga ang puso. mahalaga din ang tunay nating sitwasyon sa buhay. importante din ang mga tradisyon at kaugaliang kinalakihan natin. Pero huwag nating kalilimutang isali ang isip. siyempre hindi lahat ay mauunawaan natin agad-agad o kaya maglilinaw sa buhay na ito. Pero binigyan tayo ng Diyos ng utak upang mag-isip, magnilay, mangatwiran at magpasya tungkol sa ating kaugnayan sa kanya.



Nauunawaan mo ba ang iyong pananampalataya? Alam mo ba kung bakit ka nagbabasa ng Bibliya, nagdarasal ng Rosaryo, nagsisimba kapag Linggo at nagde-debosyon? Higit pa sa kaugalian o tradisyon, ito ay mga pasya na ginagawa natin dahil batid natin ang kahalagahan nito sa buhay ngayon at sa buhay na magpakaylanman.



Mag-isip-isip tungkol sa pananampalataya kay Hesus! Magnilay ka dito! Lumago tayo sa pang-unawa at pagpapahalaga sa ating kaugnayan sa Panginoon!


Popular posts from this blog

HOLY MASS IN FILIPINO (TAGALOG)

SIMBANG GABI DAY 1: READINGS AND REFLECTIONS

SIMBANG GABI DAY 2: READINGS AND REFLECTIONS