BLESSED JOSE MARIA DE
MANILA
(Eugenio del Saz-Orozco
Mortera )
May mga Pilipino pa na nasa hanay ng
mga kandidatong inihahanda sa pormal na paghirang bilang Blessed at
Santo. Sila ay mga lalaki at babaeng “Pinoy na Pinoy” sa puso at
diwa na namuhay at namatay din nang may tunay na kabanalang
ipinamalas.
Ang nasa hanay upang maging ikatlong
Pilipinong santo ay ang paring si Fr. Jose Maria de Manila. Isa
siyang Kastilang Pilipino na ipinanganak sa Maynila noong 1880. Ang
kanyang amang si Don Eugenio Sanz-Orozco ang huling Espanyol na
alkalde ng Maynila. Nag-aral siya sa Ateneo, sa Colegio de San Juan
de Letran, at Unibersidad ng Santo Tomas (UST).
Nagpunta siya sa Spain upang mag-aral
at doon ay nagpasyang pumasok sa seminaryo ng mga paring Franciscan
Capuchin. Naging pari siya noong 1910.
Laging nasa puso niya ang pagbabalik sa
Pilipinas subalit hindi na ito naganap pa. Nang magkaroon ng digmaang
sibil sa Spain, naging matindi ang galit ng ilang mga tao laban sa
Simbahan. Maraming mga pari at madre ang nagbuwis ng buhay. Kabilang
dito si Fr. Jose Maria de Manila na pinatay noong 1936.
Noong 2013, hinirang siyang Beato
(Blessed) Jose Maria de Manila kasama ng 521 pang mga martir ng
Spain. Nawa’y maikli na lang ang ating paghihintay na maging ganap
na santo siya at ikatlong bituin ng ating pananampalataya sa langit.
Ang kapistahan niya ay November 6. kasama ng iba pang mga martir ng
giyera sibil sa Spain.
Maraming naniniwala na ang
mapaghimalang imahen ni Blessed Jose Maria ay nasa simbahan ng St.
Francis sa Shaw Blvd., Mandaluyong City.
the miraculous image in Mandaluyong