IKA-APAT NA LINGGO NG ADBIYENTO – B


TANGGALIN ANG IMPOSIBLE



May mga panahong akala natin imposibleng mangyari, imposibleng magbago, imposibleng kumilos. Surrender tayo sa imposible kaya hindi tayo maka-usad, hindi tayo maka-tayo, hindi tayo maka-angat.

Pero alam mo ba, ang Diyos ang kalaban ng imposible. Yung hindi matarok ng isip ay posible sa puso ng Panginoon. kapag sinabi niyang mangyayari, magaganap nga ito hanggat tayo ay bukas at naniniwalang ito ay mangyayari.

Tingan mo si Maria. Walang asawa, walang karanasan, sobrang bata para maging ina. Eto at sabi ng anghel: maglilihi ka at manganganak ng isang sanggol na lalaki. Tingnan mo si Elisabet. May asawa pero baog, at sobrang tanda na para magka-anak. Pero sabi ng anghel: buntis na siya ngayon nang 6 na buwan!

Walang imposible sa ating Diyos!

Naniniwala ka ba dito? Naniniwala ka ba na kaya ng Diyos gawin ang lahat para maging mabunga at makabuluhan ang buhay mo? Naniniwala ka ban a mahal ka ng Diyos na kaya niyang wasakin ang imposible at gumawa ng mga himala araw-araw para sa iyo?

Ang Pasko ang kapistahan ng posible! Posible dahil gusto ng Diyos. posible dahil alam niyang kailangan mo. Posible dahil mayroon kang pananampalataya.

Ngayong Pasko, itaas sa Diyos ang pusong may pananampalataya at tanggapin ang imposible ay nagiging posible na! maging tulad ni Elisabet. Maging tulad ni Maria.



Popular posts from this blog

HOLY MASS IN FILIPINO (TAGALOG)

SIMBANG GABI DAY 1: READINGS AND REFLECTIONS

SIMBANG GABI DAY 2: READINGS AND REFLECTIONS