MAGPAKATOTOO KA PLEASE!!!
BAWAT ARAW KASAMA SI
SAN FRANCISCO DE SALES 5
Huwag mag-aksaya ng panahon sa
pangangarap na maging ibang tao.
Huwag magsikap na maging ibang
tao.
Gumawa at magdasal na maging
totoo sa sarili.
Maging tapat sa kung sino ka, sa
kung nasaan ka.
Ituon ang pansin sa mga mumunting
mga problema at hirap na dinaranas mo ngayon.
Ilaan ang iyong mga higit na
pagsisikap, gamitin ang iyong lakas espirituwal sa kung ano ang tama na nasa
harap mo.
Ito lang ang hinihingi sa iyo ng
Diyos: na mabuhay at tumugon sa biyaya niya ngayon at dito.
Ang gumawa ng iba pa ay isang
pagsasayang ng oras.
Makinig mabuti.
Mahalaga ito at laging
napagkakamalan – dahil pinipili nating gawin kung ano ang mas gusto natin.
Kaunti lang ang pumipili muna sa
tungkulin o sa kalooban ng Diyos.
Huwag mong linangin ang taniman
ng iba.
Lumago ka kung saan ka itinanim.
Sa buong maghapon:
MAGPAKATOTOO!