MAGSALITA KA. MAKINIG KA.
BAWAT ARAW KASAMA SI
SAN FRANCISCO DE SALES 29
Minsan naman, kapag lumapit tayo
sa presensya ng Panginoon, hindi problema kung ano ang sasabihin natin.
Handa tayong makipag-usap at
makinig naman sa kanyang mensahe sa atin.
Kalimitan, ang tugon niya ay mga
tahimik na udyok at mga tahimik na kilos sa ating puso.
Ang ating kaluluwa ay pupunuin
niya ng pagkalugod at tapang.
Kaya nga, kung may kaya kang
sabihin sa Panginoon, gawin mo ito sa pamamagitan ng mga salita ng panalangin.
Purihin siya.
Makinig sa kanya.
Subalit, gaano man kapuno ang puso
mo ng mga gustong mong ipahatid sa Diyos, minsan hindi ka makapagsalita, at
kaya manatili ka lang sa kanyang presensya.
Makikita ka niya doon, at babasbasan
niya ang iyong katahimikan.
At siguro iuunat niya ng kanyang
kamay upang abutin ka, samahan ka sa paglakad, kausapin ka, gabayan kang
mahinahon sa halamanan ng kanyang pag-ibig.
Anuman ang mangyari, isa itong
malaking biyaya.
Sa maghapong ito:
MAKIPAG-USAP KA KANYA. MAKINIG SA
KANYA.
(paki-share po para lalong makatulong sa iba at dumami ang magpuri sa Panginoon. thanks po!)