PAKATANDAAN: HINDI SA DIYOS GALING ANG PROBLEMA NATIN SA BUHAY


BAWAT ARAW KASAMA SI SAN FRANCISCO DE SALES 30







May tatlong bagay tungkol sa pananatili sa kapayapaan na hindi dapat kalimutan.



Una, ang kapayapaan ay hindi nangangahulugan na walang pait o sakit sa buhay.



Nawawala ang kapayapaan hindi kapag walang problema, kundi kapag tumigil ka nang sumandal sa Diyo at kapag napabayaan mo ang iyong mga tungkulin sa kanya.



Dapat asahan ang pait at huwag mabahala dahil dito.



Ang mga nakasanayan natin ay hindi madaling nawawala.



At kapag pinakawalan natin, nagdudulot ito ng pagiging “bagong tao” natin sa harap ng Diyos kahit may kasamang konting pag-aatubili.



Huwag maguluhan.



Hindi binabawi ng Diyos ang kanyang pagpapala sa iyo.



Ikalawa, hindi sa Diyos nagmumula ang pagkabagabag kailanman.



Dahil ang pagkabagabag ay kalaban ng kapayapaan, hindi ito magmumula sa Diyos.



Ito ay kalaban ng espiritu kaya hindi Diyos ang nagdudulot nito.



Ikatlo, ituring mo ang pag-aalala tulad ng ito ay isang tukso.



Labanan mo ito.



Palayasin mo ito.



Anuman ang dapat mong gawin, maging sa pagtatanggol ng sarili laban sa tukso o sa pagtanggap ng kaligayahan, gawin mo ito nang payapa, na walang kaguluhan ng isip o puso.



Hindi mo makakamtan ang kapayapaan kapag iwinaglit mo ito.



Sa maghapong ito:



ANG DIYOS KAILANMAN AY HINDI ANG SANHI NG IYONG PAGKABAGABAG.



(paki-share po para lalong makatulong sa iba at dumami ang magpuri sa Panginoon. thanks po!)

Popular posts from this blog

HOLY MASS IN FILIPINO (TAGALOG)

SIMBANG GABI DAY 1: READINGS AND REFLECTIONS

SIMBANG GABI DAY 2: READINGS AND REFLECTIONS