HINDI SOLUSYON ANG GALIT
BAWAT ARAW KASAMA SI
SAN FRANCISCO DE SALES 26
Sa larangang ng pagiging mapagpasenya, unahin
mong gawin ito sa iyong sarili.
Huwag mayamot sa sarili dahil marami kang
mga pagkukulang.
Madaling maunawaan kung
nasisiphayo ka dahil sa iyong mga pagkakamali, pero hindi dapat ito magdulot ng
pait o galit sa sarili.
Malaking pagkakamali – dahil
walang nararating – ang magalit dahil galit ka, ang uminit ng ulo dahil sa init
ng ulo, ang masiphayo dahil disappointed ka.
Huwag mong lokohin ang sarili mo.
Hindi maitutuwid ang mali sa pamamagitan ng pag ulit mo dito.
Ang galit ay hindi solusyon sa
galit.
Punlaan lang ito ng mas ibayong
pang galit.
At huwag mong isiping ang
pagpaparusa sa sarili ay tanda ng kabutihan.
Tanda ito ng maling pagmamahal sa
sarili. E hindi ka naman perpekto di ba?
Tingnan mo ang iyong mga
pagkakamali sa tamang paraan. Tingnan mo ang sarili mo na malumanay, banayad, at
tamang panghihinayang.
Tahimik, matibay na pagsisisi ay
mas epektibo kaysa madamdaming galit.
Mas malalim ito at mas malayo ang
nararating.
Sa maghapong ito:
HINDI SOLUSYON ANG GALIT.
(paki-SHARE po para lalong makatulong sa iba at dumami ang magpuri sa Panginoon. thanks po!)
-->