TUMAYO KA MULI, PERO DAHAN-DAHAN LANG


BAWAT ARAW KASAMA SI SAN FRANCISCO DE SALES 27







Bakit nagugulat ka kung ang mga mahina ay nagiging mahina, ang mga marupok ay nagiging marupok?



Kung ikaw ay nagiging makasalanan?



Kapag nadapa ka, maging malumanay at banayad sa iyong mahina at marupok na puso.



Tumayo ka dahan-dahan, tanggapin ang pagkakamali, na hindi nalulunod sa iyong kahinaan.



Tanggapin mong may sala ka sa mata ng Diyos.



At may magandang intensyon, may lakas ng loob at tiwala sa kanyang awa, magsimula ka muli.



Malaking tukso na itatwa mo pati iyong sarili, gamit ang masasakit na salita at lalo na, masasakit na damdamin.



Pero hindi naman magandang saktan mo ang sarili mo.



Sa halip, buuin mo ang iyong kaluluwa muli, malumanay, mahabagin, nag-iisip ng tama.



Sabihin mo sa puso mo:



“Bumangon kang muli sa bagong pagkakataon. Magtiwala ka sa awa ng Diyos, upang makatayong mas malakas sa kinabukasan. Huwag panghinaan ng loob; tutulungan ka ng Diyos at gagabayan ka niya.”



Magdasal tulad ng salmista:



“Bakit ka malungkot o puso ko, at bakit nababahala? Magtiwala sa Diyos; pupurihin ko siya, ang aking kaligtasan, O Diyos ko.”



Sa maghapong ito:



BUMANGON KA O PUSO KO, UNTI-UNTI…



(paki-share po para lalong makatulong sa iba at dumami ang magpuri sa Panginoon. thanks po!)
-->

Popular posts from this blog

HOLY MASS IN FILIPINO (TAGALOG)

SIMBANG GABI DAY 1: READINGS AND REFLECTIONS

SIMBANG GABI DAY 2: READINGS AND REFLECTIONS