IKA-19 NA LINGGO NG KARANIWANG PANAHON K
ISANG BILYON PERO “MUNTI”
“Huwag kayong matakot, “maliit” kong grupo…
Bakit tinatawag ni Hesus na “munti”
ang kanyang kawan?
Kaunti lang ba ang naisip niyang
susunod sa kanya?
O hindi ba niya nakini-kinitang
pagkatapos niyang umakyat sa langit
ang mabuting balita niya ay
lalaganap na tila apoy.
at ang mga alagad niya ay lolobo
sa daang-libo hanggang milyon,
at hanggang sa mahigit isang
bilyong tao ngayon?
Malamang, ang paglagong ito ay
pakay niya rin para sa kanyang simbahan.
Ang larawan ng “munting” kawan ay
paborito ni Pope Paul VI.
Mahal din ito ni Pope Benedict
XVI.
Ano kaya ang kahulugan nito para
kay Hesus?
Bakit mahalaga ito sa ating mga
lider ng simbahan?
Alam ni Hesus na dahil sa matatag
na pundasyon,
Ang mabuting balita ay
makakaapekto sa napakarami
At lalago ang kanyang mga
tagasunod.
Subalit hindi naman siya
interesado sa bilang ng tagasunod.
Mas interesado siya sa “kalidad”
ng pananampalataya ng mga disipulo.
Huwag tayong magpaloko sa
listahan lamang.
Mahigit isang bilyon ngayon ang sinasabing
binyagang Kristiyano.
Pero isang bilyong tao ba ang ngayon
ay namumuhay nang matapat at taos-puso
Bilang tagasunod ni Hesus?
Ilan sa mga binyagan ang:
… may buhay na kaugnayan sa
Panginoon
… sumasamba nang buong puso
… nagbabasa at nagsasabuhay ng
Salita ng Diyos
… masiglang nakikisangkot sa gawain
ng
simbahan
… nagbabahagi sa mga mahihirap at
pinahihirapan
… kumikilos bilang lingkod ni
Hesus sa tahanan,
paaralan, pagawaan
… naghahasik ng katotohanan at
hindi nagkakalat
ng kasinungalingan
… gumagalang sa dignidad ng kapwa
at sa
kalikasan
… nagsisikap gawing mas kaaya-aya
ang
kapaligiran
… gumagabay sa iba upang matagpuan
ang
Panginoon?
Sa puso ni Hesus nais niyang
makitang dumami ang susunod sa kanya,
Pero sa karunungan niya alam
niyang kaunti lamang ang magpupunyagi hanggang sa dulo.
Tanungin natin ang sarili:
Bahagi kaya ako ng “munting”
kawan ni Kristo?
Sabik ba akong makilala pang
lubos ang Diyos?
Naghahangad ba akong mag-akay ng
iba papalapit sa kanya?
O baka naman sapat na sa akin na
tawaging “Kristiyano”
At isiping maliligtas naman ako
Habang nagtatago sa likod ng mga
bilang ng sinasabing mga “binyagan”?
(huwag kaligtaang i-share sa iba. baka po makatulong e)