IKA-20 LINGGO NG KARANIWANG PANAHON K
MAGSITAHIMIK O
MAGSISIGAW?
Isang guro ang nag-post sa social
media ng kalagayan ng paaralan nila.
Sa halip na maayos na faculty
room para sa mga teachers
kung saan puwede maghanda,
magpahinga, magpulong, magkonsulta,
ipinakita niya ang lugar kung
saan sila ngayon tumatambay
… sa abandonadong CR ng kanilang
public school.
Nagtagumpay ba siya?
Nagalit sa kanya ang mga
napahiyang opisyal ng school
at sinabing nag-iinarte lang siya
at nagpapaawa sa iba.
Binantaan siyang idedemanda dahil
sa panghihiya sa paaralan.
Sa halip na harapin ang problema,
itinuring siyang tinik sa lalamunan ng mga boss niya.
Palaging itinuturing ng mga tao
na ang propeta ay isang pahamak, isang basag-ulo,
Tulad na lamang ni Jeremias.
Hindi niya kiniliti ang madla, o
sinabi lang ang gusto nilang marinig.
Sa halip, nagpahayag siya ng
mensahe ng Diyos kahit ito ay makapagbabagabag sa mga tao.
Matapang niyang tinawag na peke
at nagpapanggap lang
ang mga taong hanggang balat lang
ang pananampalataya
at hindi humahantong sa bagong
puso, bagong ugali, bagong katauhan.
Ginambala ni Jeremias ang budhi,
maging ng mga tao o ng hari.
Sila naman, nagalit, napoot at
nagtangkang patayin si Jeremias.
Mas higit ang Panginoong Hesus sa
isang Jeremias lamang.
Ipinaliwanag niyang ang mga
sumusunod sa kanya
ay dapat kumawala sa kanilang
katapatan sa mga tao.
Dala niya ay mensahe hindi ng
pahinga o ginhawa kundi ng pagkagulat at pagkamangha.
… para bang apoy na sanhi ng
pagkakagulo,
… tila mga argumento na naghahati
sa mga tao.
Ang mensahe ni Hesus ay para
gumambala at gumimbal,
nang sa gayon mapilitan ang mga
taong magpasya para sa Diyos at sa buhay na banal.
Paano ka tumutugon sa mga propeta
ng buhay mo?
Iniiwasam mo ba ang kanilang
mensaheng nakaka-istorbo?
Namumuhi ka sa kapag sinasabi
nila ang tama sa iyo?
Binabawasan mo ba ang tindi ng
mga Salita ng Diyos sa Bible mo?
Nasusuklam ka ba kapag sinabing
mali ka?
Hindi kumportable sa harap ng
propeta.
Pipilitin ka nilang magisip-isip.
Hahamunin ka nilang tahakin ang makipot
na daan.
Salamat sa Diyos para sa mga
propeta ngayon:
Ang whistle blower na hindi
alintana ang panganib para sabihin ang totoo.
Ang obispong nagtataya ng buhay
para labanan ang pagpatay ng mga dukha.
Ang empleyadong ayaw tumanggap ng
suhol.
Ang magulang na mahigpit upang
madisiplinang tama ang anak.
Ang pari na nangangaral mula sa
Salita ng Diyos at mula sa karanasan ng mga tao.
Huwag patahimikin ang propeta!
Pabayaan siyang magsalita.
Pabayaan siyang sumigaw kung
dapat.
Pabayaan mo siyang akayin ang mundo
sa kaligtasan!
(huwag kalimutang i-share...)