IKA-15 LINGGO SA KARANIWANG PANAHON A
ALAGAAN NATIN ANG KALIKASANG DULOT NG DIYOS
Nais namin na ang mga
pamangkin ko, isang tatlong taon na lalaki at anim na taon na babae, ay mahalin
ang kalikasan. Bilang panimula, binigyan namin sila ng alagang ibon, na
kamakailan ay namatay. Binigyan namin sila ng kuneho bilang kapalit, subalit
ito ay namatay din agad. Nagbigay rin kami ng aso at namatay rin gaya ng
nangyari sa mga nauna naming binigay. At sa kahuli-huling pagkakataon, sila ay
binigyan ko ng pagong, at pinaalalahanan sila na mas alagaan ito. Makalipas ang
ilang linggo, kinamusta ko ang pagong na binigay ko sa kanila. Ikinaalarma ito
ng aking pamangkin na babae at hindi umimik. At nalaman ko na lang mula sa
aking pamangkin na lalake na patay na ang pagong. At kami ay nabigo sa aming
ninanais mangyari.
Ipinapaalala sa atin ng
Salita ng Diyos ngayon na mahalin ang likha ng Diyos. Isinasalamin o
ipinapakita ng mga imahe mula sa Salita ng Diyos ngayon ang ating mundo: sa
unang pagbasa, nabanggit ni Propeta Isaiah ang tungkol sa ulan at nyebe na
naglalarawan sa Salita ng Diyos na nagmula sa langit; Ipinahayag ni San Pablo
ang pagtubos sa mga nilikha; At loobin ng ebanghelyo na muli nating balikan ang
parabula ni Hesus patungkol sa mga buto na nahulog sa iba't ibang uri ng lupa.
Ang Bibliya ay nagsimula sa pagtalakay sa kasaysayan ng mga nilikha ng Diyos at
natapos sa layunin na baguhin ang lahat ng nilikha. Sinasabi sa atin ng mga
Santo, Mistiko and teologo na ang ang pag-ibig ng Diyos ay sumasaatin sa tulong
ng kanyang mga nilikha.
Nakakagulat at nakakalungkot
man na makita na sangkatauhan ay hindi ginagamit ng maayos ang biyaya ng
kalikasan. Dahil sa ating kasakiman, unti unti ng nawawala ang iba’t ibang uri
ng mga hayop. Isang nagtitinda ng mga parte ng tigre ang tinanong kung ano ang
kanyang isipan ukol sa mga batang hindi pa nakakakita ng tigre. At kanya namang
sinabi na sila ay makakakita pa rin ng mga tigre sa zoo. Nang walang
pagpapaplano at pagsubaybay, iba’t ibang industriyang malapit sa mga tubig gaya
ng ilog, lawa at karagatan ay nagdudulot ng polusyon sa mga katubigan natin.
Marami sa mga pinagkukunan ng tubig na tumutustos sa ating pangaraw-araw na
pamumuhay ay patay na o hindi na maaaring inuman. Habang tayo ay bumoboto para
sa ating mga katangi tanging likas na yaman na mapasama sa “Greatest Wonders of
the World”, ay huwag natin kalimutan na itama ang ating maling ginagawa sa
ating kalikasan.
At tayo ay paulit-ulit na
natataranta tuwing guguho ang lupa mula sa mga kabundukan, tuwing tatangayin ng
malalakas at matataas ng baha ang daan-daang mamamayan, tuwing matutuyot ang
mga batis at sapa at tuwing matatabunan at masisira ang mga lupang sakahan. Ang
kalikasan din naman ay nagdudulot din ng pinsala sa atin, gaya na lamang sa
ating maayos na pamumuhay, seguridad at hinaharap na marahil ay kapalit sa
ating pinsalang naidudulot sa kanila. Kung hindi natin babaguhin o titigilan
ang ating mga masasamang ginagawa sa kalikasan, mas maraming unos pa ang
darating sa atin.
Tayo inatasan lamang ng
Diyos na maging tagapangalaga ng kanyang mga nilikha at hindi ang maging
panginoon ng mga ito. Ang Diyos ay ang natatanging at nag-iisang Panginoon ng
lahat sa langit maging dito sa lupa. Ipinagkatiwala niya sa atin ang mundo na
gamitin ito pero dapat din nating alagaan at ingatan ito para sa mga darating
na henerasyon. Ang polusyon sa ating mga puso’t isipin ang naguudyok sa atin na
gumawa ng makakasira sa kapaligiran. Tayo ngayon ay tinatawag ng Diyos na
maging makabuluhan.
Bilang mga Kristyano, tayo
ay kasama ng Panginoon na alagaan ang ating planeta mula sa pagkawasak. Hindi
lang natin kailangang gamitin ng tama o matuwid ang mga pinaggagalingang yaman
sa mundo kundi mula sa ating puso, ay baguhin natin ang ating kaugalian at
ipakita ang pagpapahalaga at pagrespeto sa iba pang nilikha. Pagsaluhan o
ibahagi natin ang kabutihang dulot ng Diyos sa mga hayop at halaman at sa lahat
ng materyal sa mundo. Simulan nating mahalin ang ating mundo sa pamamagitan ng
maliliit na gawin na nagpapakita ng malasakit at responsableng pangangasiwa.
Balikan natin ang ating kaugalian ukol sa kalinisan, ukol sa
basura, ukol sa walang humayaw at aksayadong na pagkain at pag-inom, ukol sa
kalambingan natin sa mga hayop at halaman. Tayo ay pinagpala dahil tayo ay
biniyayaan ng ating mga kailangan. Gaya ng lahat ng regalo, pahalagahan natin
and gamitin natin ng wasto ang mga ito para sa ikakarangal ng Diyos. Amen.