IKA-19 NA LINGGO SA KARANIWANG PANAHON A




LUMAKAD SA TUBIG KASAMA NI HESUS

Sa aking unang pagluwas ng bans na mag-isa, ako ay natakot dahil baka may terorista kaming kasama sa eroplano at di kaya’y mag-“crash” ang eroplano. Ito ay napawi nang ako ay pinaupo sa gitnang hilera ng mga upuan katabi ang tatlong madre. Sinubukan ko silang kausapin, ngunit pinigil nila ako dahil sila ay nagdarasal. Ako ay natahimik.

Nagkaroon ng aberya bago kami mapadpad ng “Thailand” at agad kong nilabas ang aking rosary. Namatay ang ilaw at nagbigay liwanag ang “Emergency light”. Nang kami ay nakalagpas na sa bagyo, bumalik na sa kaayusan ang lahat. At nakita kong nakahawak ang Madre sa braso ko, at sinabi ko: “Excuse me, huwag mo akong hawakan, gusto kong mapag-isa!”

Lahat tayo ay may kinakatakutan. Ang ilan ditto ay hindi makatwiran, ang iba ay mayroon namang katwiran at mauunawaan. At ito ay pinagsama-sama sa ating Ebanghelyo ngayon. Ang mga disipulo ni Hesus ay naglalakbay lulan ng isang Bangka, ay takot na takot sa mga nagtataasang mga alon, malakas gn hagupit ng hangin at sa multo na akala nila ay si Hesus. Si San Pedro ay takot na takot at ang mga disipulo ay pilit hinaharap ang kanilang takot.

Tayo ngayon ay nabubuhay sa kalagitnaan ng maraming kinakatakutan. Ang buhay natin sa napapalibutan ng mga nakakatakot na bagay. Ang ilan ay madaling malusutan at ang ilan ay hindi. Bilang mga Kristyano, tayo ay hindi naiiba sa karamihan na gumigisng na may pangamba at natutulog ng mat bumabagabag sa isip.

Sa kalagitnaan ng kanilang katakutan, nagpakita si Hesus, na naglalakad sa ibabaw ng tubig at sinabi sa mga disipulo: “Patapangin ang inyong loob, ako ito, huwag kayong matakot.” Inimbitahan ni Hesus si San Pedro na lumapit sa kanya, ito man ay mukhang imposibleng mangyari pero siya ay nakalapt kay Hesus. Si Hesus ay nandyan para sa atin tuwing tayo ay natatakot upang sabihin sa atin na tayo ay manampalataya at palakasin ang ating puso.

Tayo ay maging tapat sa kung ano ba ang kinakatakutan natin. Ang ilang tao ay nabubuhay sa mapanganib na kapaligiran pero tayo ay takot na ibahagi ito sa iba. Ang ilan ay hindi masaya sa kanilang trabaho o sa relasyon na mayroon sila pero takot putulin ang pagdepende nila dito. Alam natin sa sarili natin na may gusto tayong puntahan, makamit ang ninanais natin, gawin ang gusto natin ngunit tayo ay takot at hindi alam ang dapat gawin.
Inimbitahan ni Hesus si San Pedro na maglakad sa ibabaw ng tubig para mapagtagumpayan ang kanyang takot at mapalitan ito ng pananampalataya. Muntik ng lumubog si San Pedro dahil sa pagtuon niya ng pansin sa malakas na hangin ngunit siya naligtas nang hawakan ni Hesus ang kanyang kamay. Si Hesus ay dumarating sa atin tuwing tayo ay takot na takot at kapag ang sitwasyon ay malubha na. Pero siya ay nandyan para tumulong sa atin.

Sa Eukaristiyang ito, ialay natin sa Diyos ang mga kinakatakutan natin. Hayan nating haplusin ng pagmamahal niya ang puso natin at bigyan tayo ng lakas ng loob na harapin ang ating mga problema. Imbitahan natin si Hesus na gabayan tayong tumawid sa malakas na alon ng tubig at malakas na hangin. Walang imposible basta magtitiwala lang tayo kay Hesus upang sa gayon ay mapagtagumpayan natin ang ating takot.

Popular posts from this blog

HOLY MASS IN FILIPINO (TAGALOG)

SIMBANG GABI DAY 1: READINGS AND REFLECTIONS

SIMBANG GABI DAY 2: READINGS AND REFLECTIONS