IKA-21 LINGGO SA KARANIWANG PANAHON A


PAMANANG ESPIRITWAL
Si Jimmy ay lumaki sa pamilya na siya ay iba o naiiba sa kanyang mga magulang at mga kapatid. At nasagot ang kanyang agam-agam ng malaman niya na siya ay inampon lamang. Siya ay lumayas at hinanap ang kanyang tunay na pamilya. At nahanap niya nga sila, at para mapatunayan na siya talaga ay kabilang sa kanilang pamilya, hiniling nila na isukat niya ang isang pares ng sapatos at ito nga ay nagkasya sa kanya. Ang lahat ng lalaki sa kanilang pamilya ay may iisang sukat ng sapatos. Kadalasan nating nakikilala kung sino-sino ang miyembro ng ating pamilya batay sa ating “Physical heredity”. Tayo ay may pare-parehas na ilong, mata, tangkad o kulay. Ang pare-parehas na katangiang ito ay nagpapatunay na tayo ay magkakapamilya.

Ang Ebanghelyo ay gustong tignan natin ang ating pamliyang espiritwal, ang ating espiritwal na angkan. Tignan natin ang mga apostol, lalo na si San Pedro. Para sa ating mga Katoliko, Si San Pedro ay mahalaga dahil sa kanyang pamumuno at sa kanyang halimbawa. Sa Ebanghelyo ngayon, Sinabi ni Hesus kay San Pedro na siya ay bato at sa batong ito ay itatayo ko ang aking simbahan. Si Hesus ang pundasyon ng ating pananampalataya pero natanto ni Hesus na pagkatapos niyang bumalik sa kanyang Ama, Siya ay magiging hindi nakikitang bato. Si Hesus ay nag-atas ng magrerepresenta sa kanya, para siya ay manatiling naririto sa mundo. At ang magrerepresenta sa kanya ay si San Pedro, na parang bato ang pananampalataya dahil sa kanyang katapangan. Si San Pedro ay namumuhay kasama natin sa kanyang tagapagmanang si “Pope Francis”.

Sa pamilya ng pananampalataya, tayo nakikilala batay sa ating “Spiritual heredity – ang parehas na pananampalataya ng ipinakita ni San Pedro: Hesus, ikaw ang Mesiyas, Anak ng nabubuhay na Diyos. Ito ang pananampalataya ni “Pope Francis” at ang libo-libong kabataan sa bawat World Youth Day. Ito ang pananampalataya ng mga Katoliko sa Africa, sa Vietnam at sa loob ng bawat Simbahan ngayon. Ito ang pananampalataya ng mga pamilyang natitipon sa pagdarasal o nagdidiwang ng Banal na Misa tuwing lingo. Dahil ang pananampalataya natin kaparehas ng kay San Pedro at ang kanyang tagapagmanang si “Pope Francis”, tayo nabibilang sa kanila.

Tayo ay magpokus panandali sa ating “spiritual heredity”. Hindi lahat sa atin ay nakatanggap ng matinding “spiritual inheritance”. Sa halip na pananampalataya, pangako at pagiging isa sa Simbahan ang mayroon tayo, tayo ay nagtataglay ng pagdududa, kapabayaan at distansya sa ating Simbahan. Hindi kataka-taka na marami sa atin ang walang direksyon sa ating espiritwal na pamumuhay. Bigo ang ating mga magulang at ang mga nakakatanda sa atin na ipakita ang tunay na mukha ng Diyos. Marami sa atin ang nagdurusa sa depektibong buhay ng pananampalataya na ating natamo.

Kung tayo ay hindi magiging hindi maingat, ang maling depektibong ito ay maipapasa sa mga susunod na henerasyon. Sinasabi sa Bibliya na naaapektuhan ng ating mga kasalanan ang ating mga anak at kanilang magiging anak. Agad din naman idinagdag ng Bibliya na ang banal na pamumuhay ngayon ay itutumba ang ating mga kasalanana at magdudulot ng biyaya sa ating mga pamilya sa mga darating na henerasyon.

Tayo ngayon ay binibigyan ng pagkakataon na gawin iyon. Sa pakikinig sa mga salita ni San Pedro, tayong lahat ay tinatawag para ipokus ang ating mga buhay kay Hesus at hilingin sa kanya na tayo ay maging tapat sa kanyang mga salita at pagsubok. Gusto natin magkaroon ng mas matatag na pananampalataya at mabuhay sa ilallim ng biyaya ng Diyos. Gusto natin na maging kaisa niya. Nais natin na ating mga pamilya ay manumbalik sa pananampalataya ng pagkaDiyos ni Hesus.

Laging may pag-asa dahil ngayon, hiniling natin kay Hesus na mas maging matatag ang ating pananampalataya at ihanda ang “spiritual heredity” sa mga taong lumalapit sa atin.

Popular posts from this blog

HOLY MASS IN FILIPINO (TAGALOG)

SIMBANG GABI DAY 1: READINGS AND REFLECTIONS

SIMBANG GABI DAY 2: READINGS AND REFLECTIONS