IKA-18 LINGGO SA KARANIWANG PANAHON A
KASAGANAAN NG DIYOS
Sa isang okasyon, masasabi
natin na naging matagumpay ito kung ang pagkain ay masarap at nagustuhan ng
lahat ng dumalo. Tuwing tayo ay uuwi galling sa isang salu-salo, ang itatanong
sa atin ng mga kasama natin sa bahay ay “ano ang handa? masarap ba? madami bang
handa?”. Tayong mga Pilipino, tuwing tayo ay pupunta sa isang handaan, hindi
natin iniisip kung saan ito, kung maganda ba ang pagkakaayos ng lugar, mag
tugtugin ba o kay may palaro o di kaya ano ang dapat isuot, ang tanging
mahalaga sa atin ay ang pagkain at ang pagkain ay libre lang.
Inaanyayahan tayo ng Salita
ng Diyos na manabik sa mga imahe ng pagkain na nakapaloob sa mga pagbasa
ngayon. Sa unang pagbasa ay nabanggit ang imbitasyon ni Isaiah sa mga tao na
manumbalik sa Diyos mula sa pagkakaligaw nila: kayo ng mga nauuhaw, nagugutom
ngunit walang pera, tayo ay uminom at kumain, ito ay walang bayad. Ikinukwento
sa atin ng Ebanghelyo ang istorya kung saan pinakain ni Hesus ang limang libong
tao, siya ay nagmilagro at pinadami ang tinapay. Ang “Sulat ni San Pablo sa mga
taga-Roma” ay binibigay sa atin ang rason sa likod ng pagiging mapagbigay ni
Hesus, sa pagbibigay niya ng pagkain sa kanyang mga tao: Walang sino man ang
makakapaghiwalay sa atin sa Pag-ibig ng Diyos.
Ang Diyos ay patuloy pa rin
sa pagbibigay ng ating mga pangangailangan. Sa Bibliya, inirerepresenta ng
pagkain ang kasaganaan, biyaya, kapagbigayan na dumadaloy mula sa kabutihan ng
Diyos. Ang pagkain ay hindi lang tungkol sa biyaya ng tinapay, alak at bigas.
Ang pagkaing ito ay matatagpuan din sa pagpapagaling sa may sakit at pagaaliw
sa mga sugatan. Ang pagkaing ito ay grasya ng pagtitiyaga at proteksyon sa mga
nagtitiwala sa Diyos. Ang pagkaing ito ay ang regalo ng katagumpayan at ng
pagkapanalo mula sa mga pagsubok.
Pero ito ay may kondisyon,
tayo ay lumapit sa Diyos nang sa gayon ay mabahagin tayo ng kanyang biyaya at
ng kanyang kasaganaan. Ang salita ni Isaiah ay nagsasabing tayo ay lumapit sa
Diyos.
Gustong gusto ko ang imahe
ng isang lamesang punung-puno ng pagkain. Kung tayo ay tamad, mahiyain at
mapagmalaki, tayo ay hindi makakakain. Hindi ang pagkain ang lalapit sa atin,
dahil ito ay hindi naman gumagalaw. Tayo ang dapat lumapit sa pagkain. Marami
na rin akong nakausap na hirap sa buhay at nagsabi na sila ay walang oras para
sa Diyos.
Marami rin akong nakikitang tao na nagsasabi na sila ay walang oras
para magdasal o magsimba ngunit may oras para manuod ng TV, pumunta sa mga mall
at makipagtext buong araw. Hindi kataka taka na sila ay salat sa aspetong
pangespiritwal, pangpinansyal, moral at emosyonal. Binabalewala nila ang
pagtawag ng Diyos kaya sila ay hindi nabibiyayaan.
Tuwing lingo, tayo ay
nagsasalo-salo sa hapag ng Diyos at ditto, ang pagkain ay libre. Hindi
ordinaryong pagkain ang ibinabahagi niya sa atin kundi ang kanyang Katawan at
Dugo, ang pagkain tungo sa buhay ng walang hanggan. Ginagawa niya ito para
maipakita niya sa atin ang kanyang walang maliw na pagmamahal. Kung tayo ay
lalapit sa hapag niya, ay malalaman natin ang kahulugan ng presensya ni Hesus
sa buhay natin at ibahagi ang kanyang kasaganaan.
Ang mga taong lumalapit sa
Eukaristiya ng Diyos ay alam ang kasaganaan na idinudulot ng Diyos sa kanila.
Tayo ay hindi malaya o ligtas sa mga pagsubok ng buhay, pero dahil tayo ay
lumalapit sa Diyos, walang problema ang makakapagpabagsak sa atin. Tayo ay may
makapangyarihang pagkain na nagbibigay sa atin ng lakas sa ating pangaraw-araw
na paglalakbay. Tayo ay lumapit ngayon at dinggin ang sinasabi sa atin ng
Diyos: “Kayo ay lumapit, kumain at uminom. Kayo ay lumapit, tanggapin ang lahat
ng biyaya na dulot ko.”